kaibigan
tila yatang matamlay ang 'yong pakiramdam
at ang ulo mo
sa kakaisip ay tila naguguluhan
tila yatang matamlay ang 'yong pakiramdam
at ang ulo mo
sa kakaisip ay tila naguguluhan
ano pa nga bang saysay na ipaglaban ang nakaraan? piliting ibalik sa dati, tagpian ang butas, kung patuloy naman ang pagkasira? ang simpleng pagtakip ay hindi sapat na lunas. hindi sapat. hinding-hindi sasapat. nakakapagod na. nakakainis. punyeta.
kung ang problema mo o suliranin
ay lagi mong didibdibin
ay tatanda kang bigla
'pag tumulo ang luha
hahaba ang 'yong mukha
at ikaw ang syang kawawa
ay lagi mong didibdibin
ay tatanda kang bigla
'pag tumulo ang luha
hahaba ang 'yong mukha
at ikaw ang syang kawawa
sa bawat umaga'y isang bagong pagsubok, mas malala sa kung ano man ang meron kahapon. isang payaso sa gitna ng isang magulong mundo. ikinukubli sa ngiti ang bawat galit at pait. at ang isang taong inakala kong kasama ko anuman, hindi ko na muling natagpuan. abot-kamay ngunit hindi ko maaninag.
iniwanan ka
ng minamahal mo sa buhay at nabigla
sinamba mo sya
binigyan mo ng lahat at biglang nawala
buhay mong alalahanin
at wag naman maging maramdamin
at tatanda kang bigla
pag tumulo ang luha
hahaba ang iyong mukha
at ikaw ang syang...
ng minamahal mo sa buhay at nabigla
sinamba mo sya
binigyan mo ng lahat at biglang nawala
buhay mong alalahanin
at wag naman maging maramdamin
at tatanda kang bigla
pag tumulo ang luha
hahaba ang iyong mukha
at ikaw ang syang...
naniwala sa pangako. umasa. yun pala'y iiwanan lang ang aming samahan sa gitna ng kawalan. nawawala. nagwawalang kalooban na pinili kong itago, kimkimin. habang siya ay nagsasaya, nagpapasasa, sa lahat ng bagong bagay na kanyang nakukuha. ano nga ba naman ang hindi mo itataya para lamang matikman ang kaunting tamis sa iyong kumakalam na sikmura? kahit pagkakaibigan ay madaling kalimutan. kapwa namin alam ang pangalan ng isa't isa, ngunit malayo na sa kinasanayang pagkakakilanlan. ako. ako na lamang lagi ang nagpipilit languyin ang burak sa gitna namin. mahigit dalawang dosenang ulit na sinubok na nauuwi lang lagi sa pagkayamot.
kasama mo ako
kasama rin kita
sa hirap at ginhawa
akong kagabay mo
may dalang pag-asa
limutin sya
limutin sya
marami pang iba
kasama rin kita
sa hirap at ginhawa
akong kagabay mo
may dalang pag-asa
limutin sya
limutin sya
marami pang iba
may isang hapon na kami'y nakapagusap. inakala kong mali lang lahat ng aking inaakala sa loob ng mahigit kalahating taong pagsubok. pero kinabukasan, wala. wala namang pinagbago. ganun pa rin. isa pa rin akong extrang walang linya sa kanyang mala-teleseryeng mga drama. ang pagtitiwala kong ibinigay noong isang hapon ay isang tanong ngayon kung isa nga bang pagkakamali. isa nga bang katangahan na maaaring mauwi sa kahihiyan. sa nakalipas na mga buwan, at sa pagmulat ng aking kamalayan sa kanyang tunay na kaanyuan, gaano nga ba ako nakasisiguro na maaari ko pa syang pagkatiwalaan? ewan ko. hindi ko alam. mukha namang wala syang pakialam. matagal na rin naman syang walang pakialam. at matagal na rin akong walang pakialam. hahayaan ko na lang ang lahat. hahayaan maging ang pagwasak nya sa natitirang bahid ng pag-asa ko sa kanya. wala na akong pakialam.
kaibigan
kalimutan mo na lang ang lahat ng nakalipas
kung nasilaw sya
napasama sa ibang landas
kalimutan mo na lang ang lahat ng nakalipas
kung nasilaw sya
napasama sa ibang landas
hahayaan ko na lang ang lahat. hahayaan maging ang pagwasak nya sa natitirang bahid ng pag-asa ko sa kanya. wala na akong pakialam. ngayon ko na buong tinatanggap na isa na lamang akong bahagi ng kanyang nakalipas na buhay na kanya ng isinusuka. isang pangalan sa kanyang alaala. subok-subok sa paglimot. subok-subok hanggang sa tuluyan ko ng ibaon sa isang disyertong walang direksyon. lahat ng bagay, sama ng loob, katangahan, kagaguhan, at mga walang katuturang mga alaala sa loob ng pitong buwan. lahat. lahat-lahat na. dahil maging ang mga pagkakataong inakala kong masaya ay nababalot pala ng masangsang na kasakiman ng mga taong nasa paligid. tila isang kumunoy. nakapandidiring alalahanin. nakakikilabot banggitin. iyon na ang mundo ng aking dating kaibigan. kasama sya sa lahat habang ako ay mag-isa. isang mundong hindi tugma sa akin. wala ng natitirang pagpipilian kundi ang kalimutan sya gaya ng paglimot nya sa akin. wala na rin saysay upang manatili pa. maliligo ako at magbibihis. isang araw, ako rin ay aalis.
marami pang malalapitan
mababait at di naman pihikan
mababait at di naman pihikan
"Kaibigan"
Up Dharma Down
(an original of Apo Hiking Society)
Up Dharma Down
(an original of Apo Hiking Society)
...:::j u l i e:::...
aysus ang drama...


No comments:
Post a Comment